Tuesday, January 25, 2011

Ano pa kaya?

Mabilis na lumilipas ang panahon,maaring hindi natin ito namamalayan. Kaakibat nito ang mga bagay na nagbabago  sa paglipas ng panahon.Hindi mo ba naitanong sa sarili mo na, anu nga ba ang  mga bagay mababago? 



Kung ngayon nga ay kamangha-mangha  na ang mga  laptop,notebook,mp5 at kung anu-ano pa,eh ano pa kaya kung mas nakahihigit pa dito. Ngayong 2011 marami ang nauusong kagamitan na nakakapagpadali ng buhay ng tao. Sabi nga ng iba ay mapalad tayong nakaabot sa ganitong panahon,hindi mo na kaylangan kumayod-kalabaw sa pagtatrabaho dahil narito na sa ating harapan ang mga bagay na nakakapagpadali sa ating trabaho.
Bawat taon ay maraming naiimbento ang mga tao na gadgets na padali ng padali ang paggamit. Ang saya saya isipin kapag meron  kang  laptop na di bulsa,teleponong naglalakad, cellphone na makakasolve sa mga algebraic expressions kasama ang solution at sagot, wallet na di nauubusan ng laman, lumilipad na kotse, ballpen na hindi nauubuusan ng tinta. Nakakamangha ng isipin at ninanais ko din itong makuha.
Sa bahay naman natin. Hindi na sana tayo makikinig sa 2 oras na sermon ng nanay natin kungmay mga robot na nakaprogram sa paglilinis n gating bahay. Mga hologram para din na tayo mapagalitan pag tayo ay wala sa bahay.
Sa araw-araw nating pamumuhay maraming pangyayari ang nagmumulat sa ating kamalayan. Mga bagay na may kinalaman sa araw-araw nating pakikisalamuha. Katulad na lamang ng habang tayo ay naglalakad pauwi galing sa eskwelahan, na pagod na pagod na tayo at halos di na makalakad. Naiisip ko lang sana ay mayroong kagamitan na nakakapagpalipad ng tao,para di na tayo mapagod.
Kung tutuusin wala naman sigurong masama dito, kung babalansehin  lang natin ang paggamit ng mga gadgets na ito  at hindi natin dinidiyos.











No comments:

Post a Comment